Aborsyon

 




Ano nga ba ang aborsyon?

Ang aborsyon ay isang kasalanan sa paningin ng iba at kasalanan din sa Diyos. Dahil ang aborsyon ay pag-lalaglag ng isang bata na nasa sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina. P'wede kang makulong sa pag-aaborsyon mo sa isang bata. Dahil sino ka para itigil ang buhay niya? Kasalanan ito sa Diyos dahil kinuha mo agad ang buhay ng isang batang walang kamuwang-muwang sa mundo. Sa aborsyon maraming bata ang nawawalan pagasang mabuhay sa mundong nilikha ng Panginoon.

Dahil sa maagang pag-bubuntis ng mga babaeng tinedyer ay lumalaki ang porsyento ng mga nag-aaborsyon. Nagagawa nila ito dahil sa takot na magalit sa kanila ang kanikanilang magulang dahil sa kanilang maagang pagbubuntis. Ang takot sa malaking responsibilidad ay isa rin sa mga dahilan kung bakit nag-sasagawa sila ng aborsyon. Ang mga katoliko at mga namumuno sa simbahan ay hindi sang-ayon sa aborsyon. Sapagkat ito ay isang paraan ng pagkitil ng buhay, na Diyos lamang ang may karapatan na mag-tanggal ng buhay sa isang tao. Kaya't isang kasalanan ang pag-aaborsyon. Maraming pamilya ang nag-nanais na magkaroon ng anak. Kung ikaw ay isa ng ina sa murang edad pa lamang ay huwag mong piliin na ito ay ipa-laglag dahil ang batang nasa sinapuunan mo ay isang 'blessing' na nag-mula sa Panginoon. Huwag mo rin isipin na malas ang iyong anak dahil hindi siya mabubuhay kung hindi rin dahil sa iyo at sa iyong kasintahan. Kaya mabuti na huwag mag-aborsyon ng bata kung ikaw ay isa ng ina. 


Bilang istudyante, alam ko naman na lahat tayo ay may pangarap. Ayaw naman natin mawala na lang ito ng parang bula. Ayaw nyo din naman maging dalagang ina at binatang ama. Kaya ang mapapayo ko na lang sainyo ay mag-aral na lang muna ng mabuti dahil darating din yung araw na pwede kanang magkaroon ng anak. Isipin mo din ang mga magulang mo na naghihirap sa pagta-trabaho upang ika'y makapag-aral lamang. Maiiwasan ang Aborsyon kung tayo'y marunong maghintay sa tamang oras at panahon.


Rosalyn Valdezco 
Mabijah Avendaño 
Alexis Peñamante

Mga Komento

  1. Ito ay isang makabuluhang artikulo na nababagay sa panahon ngayon

    TumugonBurahin
  2. perfect! isang mabuting halimbawa ng mga kabataan na may pakialam sa bayan. panigurado ay magiging mabuti kayong politiko sa hinaharap :)

    TumugonBurahin
  3. Makakatulong ito sa mga nais pumasok sa ganitong mga pangyayari.

    TumugonBurahin
  4. May natutunan ako dito. Napakahusay nyo gumawa ng blog.

    TumugonBurahin
  5. Indeed!
    Psalm 127:3 "Behold, children are a heritage from the Lord, the fruit of the womb a reward."

    TumugonBurahin
  6. Ako ay may natutunan sa blog na ito!

    TumugonBurahin
  7. sana ay mag silbing aral sa ating mga teenager ang blog na ito huwag tayong mag desisyon ng basta basta isipin ang mga taong nakapaligid sa atin at huwag maging mapusok

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento